Hindi ka ba nagtataka?
Kung bakit bilog ang mundo?
Kung bakit ang kapal ng diksyunaryo?
Kung bakit ang laki ng nunal ni Arroyo?

Hindi ka ba nagtataka?
Kung bakit ka pinapabili ng libro?
Hindi ninyo naman binabasa ito,
Kasi hindi naman lalabas sa eksam nyo.

Ang daming tanong sa utak ko,
Hindi masagot ng propesor ko.
Palibhasa ‘me paborito,
Nandodoktor ng mga grado.

Kung sana’y naging isang henyo,
Baka sakaling masagot ko ang mga tanong na ‘to.
Kung ang kapalit ay magiging sinto-sinto,
‘Di bale na lang, kontento na ko.

Bakit nga ba?
Bakit mo nga ba binabasa ito?
Batong-bato ka na siguro,
Hindi rin ba pumasok propesor mo?

Hindi ka ba nagtataka?
Kung bakit bilog ang mundo?
Kung bakit ang laki ng nunal ni Arroyo?
Bakit nga ba?
Bakit mo nga ba binabasa ito?
‘Ala ka na ba magawa?
Hindi ko na alam isususulat ko.
Ipagpatuloy mo na lang ‘to.
Kasi blog ko ito.
Basahin mo na lang ‘to,
Para maging friends tayo.




Hindi ka ba nagtataka?...kung bakit bilog ang mundo?...kung bakit ka nabubuhay sa mundong ito?...kung bakit ang kapal ng diksyunaryo?...kung bakit ang laki ng nunal ni Arroyo? Bakit nga ba? Alam mo ba ang mga sagot sa mga tanong ko? I-comment mo ko, para maging friends tayo…hehe..

Manok o Itlog? Ano ba talaga ang nauna? Ang daming tanong sa utak ko, hindi pa nasasagot ng propesor ko. Doktor daw siya, nandodoktor ng mga grado. Kung nagkaroon lang ako ng IQ na 200, eh di baka masagot ko na ang mga tanong na ito. Pero kung magiging henyo nga ako ngunit magiging sinto-sinto….
'DI BALE NA LANG! Masaya na ako. Kahit naman anong gawin ko, hindi naman ako magiging perpekto…dahil wala namang ganoon dito sa mundo. Kung sakaling meron mang ganoon, pakilala niyo ako para friends tayo. Kasi kung anu si friend, ganun din ako. Dahil birds of the same feathers flock together. WOW! English na ‘to, dumudugo na ilong ko! hehe! Tama na nga, usapang barbero na ‘to. First time ko gumawa ng blog, kaya pagpasenyahan nyo na lang ako. Sana lang mapagpatuloy ko ito, itong pag-bloblog ko. Muling paalala, i-comment ninyo ako para maging friends tayo!

Newer Posts Home