Balik na naman ako sa ka-adikan ko. Hindi ko na naman nabibilang kung ilang baso na ng kape ang naiinom ko. Ewan ko ba, tinutubig ko na lang ung kape. Masmadami pa ko naiinom na kape kaysa sa tubig.
Ayon nga sa wikipedia, ang kape ang isa sa pinakasikat na beverages sa buong mundo. Madami itong anti-oxidants na tumutulong sa pagbagal ang aging process ng ating katawan, nakakaiwas sa sakit na kanser at diabetes, at higit sa lahat nakakagising ng ating inaantok na katawan. At ang isa pa, tumutulong din ito para makapagbawas. hehe
Sabi nga, "The more you drink, the better." Kung alak lang ang kape, sigurado lasing na ko.
A day without coffee is like lungs with no air! (emote) :P
Sa karanasan ko, ang mga teacher ko nung nasa grade school pa lang ako ang pinakamagagaling. Ganoon rin ba palagay ninyo? Palibhasa sa murang na gulang, uto-uto pa tayo noon kung tutuusin. Ngayong nagkasungay na tayo at nagkabuntot, tayo na ang paboritong pag-initan sa klase. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na rin ako sumagot sa kanila. (Dapat gayahin niyo!)
Aminin niyo na, isa rin kayo sa mga tulad ko na ilang beses nang namumura ang mga propesor natin dahil sa galit at inis. Syempre kadalasan murang pabulong lang, yung tipong mga kaibigan lang natin ang nakakarining. Ung minsan naman murang pabiro, ung tamang banat lang sa porpesor. At ang ung pinakamabagsik: duro muna ng kamay,mura ng malutong, tapos walk-out--kita na lang kayo sa office!
Para lalo ninyong maintindihan kung bakit nagagawa 'to ng maga estyudante sa panahong ito, isa-isahin natin ang mga klase ng profesor:
Isa ba dito ang propesor mo?
Prof. A: Sila ung mga nagpapabili ng libro kahit hindi naman ginagamit tapos kinokolekta ung mga resibo. Basta bumili ka ng libro, one step higher. Ayos!
Prof. B:Sila ung mga propesor na magaling sana magturo kaso nga lang hindi naman pumapasok sa klase.
Prof. C: Sila ung mga tipong pag kaharap mo e nakangiti sayo. Pero pag talikod mo, un pala sinisiraan ka na sa buong faculty.
Prof. D: Sila ung mga hindi gumagamit ng grading system, hula-hula lang. Swertihan na lang kung anu grade mo. Pero ang maganda dito, hindi sila nagbabagsak.
Prof. E: Sila ung tipong Chapter 1 LANG ng libro tatlong buwan niyong paulit-ulit-ulit-ulit na tatalakayin sa klase. Swerte mo kung hindi ka nakabili ng libro kasi xerox na ndi lalagpas sa 20pesos ok na dito.
Prof. F: Sila ung mga propesor na puro reporting pinapagawa sa klase. Lagi mo silang makikita nakaupo sa likod ng klasrum o kaya nakikipag-kwentuhan sa iba mong klasmeyt pag may ibang nagrereport. Dahil pro reporting lang, dapat estyudante na rin kumuha sweldo ng mga propesor na tulad nito.
Prof. G: Sila ung mga pumapasok naman sa klase pero love life nila ang tinuturo. Makinig kayo sa kanila dahil baka i-bonus ung pangalan ng 1st love niya.wahahaha.
Prof. H: Sila ung mga endangered species na mga propesors. Kung magturo sila, seryoso talaga. Walang kwento-kwento ng love life tulad ng iba. Mahilig silang magpa-graded recitation. Matututo ka talaga sa klase, kasi mapipilitan ka magbasa ng libro kung ayaw mong tumayo magdamag sa klase.
Alam kong madami pa kayong naiisip na iba't ibang klase ng propesor na nakilala niyo. Iisa lang naman ang payo ko sa inyo, mag-home study na lang kayo!Biro lang.
Kahit anong klase pa silang propesor, hayaan mo na lang sila. Balang araw, makakaganti ka rin!!Believe in KARMA!hehe.
Labels: klasrum
Naranasan mo na ba papakin ng lamok? Napilitan ka na ba magkumot kahit sobrang init dahil sa lamok? Gusto mo na bang makaganti sa lamok? Eto ang gawin mo..bumili ka ng MOSQUITO RACKET...for just 100 pesos. (at kung magaling ka tumawad pde pa bigay sayo ng masmababa. hehe)
Minsan napipilitan na ako mag-pajama kasi mahilig ako kagatin ng lamok. Ewan ko ba, mana ako sa tatay ko laging kinakagat ng lamok. Ung kapatid ko naman ndi ganun kinakagat. Siguro talagang masarap dugo ko. Matikman nga. Bwahaha!
Sabi nga ng tita ko, "Dea, bakit ganito lamok sa inyo? Parang me pangil." Ang sakit daw mangagat kaya niya nasabi parang me pangil. HEHE.
Kaya ng pagkabili ko ng raketa, pa-sway-sway na lang, Pak! Patay na ung mga lamok. HAHAHA. Minsan pag tinotopak, kahit patay na, kinukuryente ko pa ulit. Hehe. Hanggang masunog na buong katawan ng lamok. Mejo sadista.

Balot, balot, balot
pampalakas daw ito.
sinumang kumain nito,
tiyak magiging mabalahibo.
Taho, taho, taho
dagdagan niyo pa ng sago.
bayad limang piso
pakipuno baso ko.
Puto, puto,puto
bigay mo niyog ko.
‘kana pagkain ko
para mabusog na ko.
Sago, sago, sago
pakilagyan ng yelo,
painumin niyo naman ako.
dahil nabubulunan na ko.
Labels: pagkain

Hindi ka ba nagtataka?
Kung bakit bilog ang mundo?
Kung bakit ang kapal ng diksyunaryo?
Kung bakit ang laki ng nunal ni Arroyo?
Hindi ka ba nagtataka?
Kung bakit ka pinapabili ng libro?
Hindi ninyo naman binabasa ito,
Kasi hindi naman lalabas sa eksam nyo.
Ang daming tanong sa utak ko,
Hindi masagot ng propesor ko.
Palibhasa ‘me paborito,
Nandodoktor ng mga grado.
Kung sana’y naging isang henyo,
Baka sakaling masagot ko ang mga tanong na ‘to.
Kung ang kapalit ay magiging sinto-sinto,
‘Di bale na lang, kontento na ko.
Bakit nga ba?
Bakit mo nga ba binabasa ito?
Batong-bato ka na siguro,
Hindi rin ba pumasok propesor mo?
Labels: disclosure, tula
Hindi ka ba nagtataka?
Kung bakit bilog ang mundo?
Kung bakit ang laki ng nunal ni Arroyo?
Bakit nga ba?
Bakit mo nga ba binabasa ito?
‘Ala ka na ba magawa?
Hindi ko na alam isususulat ko.
Ipagpatuloy mo na lang ‘to.
Kasi blog ko ito.
Basahin mo na lang ‘to,
Para maging friends tayo.
Hindi ka ba nagtataka?...kung bakit bilog ang mundo?...kung bakit ka nabubuhay sa mundong ito?...kung bakit ang kapal ng diksyunaryo?...kung bakit ang laki ng nunal ni Arroyo? Bakit nga ba? Alam mo ba ang mga sagot sa mga tanong ko? I-comment mo ko, para maging friends tayo…hehe..
Manok o Itlog? Ano ba talaga ang nauna? Ang daming tanong sa utak ko, hindi pa nasasagot ng propesor ko. Doktor daw siya, nandodoktor ng mga grado. Kung nagkaroon lang ako ng IQ na 200, eh di baka masagot ko na ang mga tanong na ito. Pero kung magiging henyo nga ako ngunit magiging sinto-sinto….
'DI BALE NA LANG! Masaya na ako. Kahit naman anong gawin ko, hindi naman ako magiging perpekto…dahil wala namang ganoon dito sa mundo. Kung sakaling meron mang ganoon, pakilala niyo ako para friends tayo. Kasi kung anu si friend, ganun din ako. Dahil birds of the same feathers flock together. WOW! English na ‘to, dumudugo na ilong ko! hehe! Tama na nga, usapang barbero na ‘to. First time ko gumawa ng blog, kaya pagpasenyahan nyo na lang ako. Sana lang mapagpatuloy ko ito, itong pag-bloblog ko. Muling paalala, i-comment ninyo ako para maging friends tayo!
Labels: kwentong barbero