
Hindi ka ba nagtataka?
Kung bakit bilog ang mundo?
Kung bakit ang kapal ng diksyunaryo?
Kung bakit ang laki ng nunal ni Arroyo?
Hindi ka ba nagtataka?
Kung bakit ka pinapabili ng libro?
Hindi ninyo naman binabasa ito,
Kasi hindi naman lalabas sa eksam nyo.
Ang daming tanong sa utak ko,
Hindi masagot ng propesor ko.
Palibhasa ‘me paborito,
Nandodoktor ng mga grado.
Kung sana’y naging isang henyo,
Baka sakaling masagot ko ang mga tanong na ‘to.
Kung ang kapalit ay magiging sinto-sinto,
‘Di bale na lang, kontento na ko.
Bakit nga ba?
Bakit mo nga ba binabasa ito?
Batong-bato ka na siguro,
Hindi rin ba pumasok propesor mo?
Labels: disclosure, tula
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment