Sa karanasan ko, ang mga teacher ko nung nasa grade school pa lang ako ang pinakamagagaling. Ganoon rin ba palagay ninyo? Palibhasa sa murang na gulang, uto-uto pa tayo noon kung tutuusin. Ngayong nagkasungay na tayo at nagkabuntot, tayo na ang paboritong pag-initan sa klase. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na rin ako sumagot sa kanila. (Dapat gayahin niyo!)
Aminin niyo na, isa rin kayo sa mga tulad ko na ilang beses nang namumura ang mga propesor natin dahil sa galit at inis. Syempre kadalasan murang pabulong lang, yung tipong mga kaibigan lang natin ang nakakarining. Ung minsan naman murang pabiro, ung tamang banat lang sa porpesor. At ang ung pinakamabagsik: duro muna ng kamay,mura ng malutong, tapos walk-out--kita na lang kayo sa office!
Para lalo ninyong maintindihan kung bakit nagagawa 'to ng maga estyudante sa panahong ito, isa-isahin natin ang mga klase ng profesor:
Isa ba dito ang propesor mo?
Prof. A: Sila ung mga nagpapabili ng libro kahit hindi naman ginagamit tapos kinokolekta ung mga resibo. Basta bumili ka ng libro, one step higher. Ayos!
Prof. B:Sila ung mga propesor na magaling sana magturo kaso nga lang hindi naman pumapasok sa klase.
Prof. C: Sila ung mga tipong pag kaharap mo e nakangiti sayo. Pero pag talikod mo, un pala sinisiraan ka na sa buong faculty.
Prof. D: Sila ung mga hindi gumagamit ng grading system, hula-hula lang. Swertihan na lang kung anu grade mo. Pero ang maganda dito, hindi sila nagbabagsak.
Prof. E: Sila ung tipong Chapter 1 LANG ng libro tatlong buwan niyong paulit-ulit-ulit-ulit na tatalakayin sa klase. Swerte mo kung hindi ka nakabili ng libro kasi xerox na ndi lalagpas sa 20pesos ok na dito.
Prof. F: Sila ung mga propesor na puro reporting pinapagawa sa klase. Lagi mo silang makikita nakaupo sa likod ng klasrum o kaya nakikipag-kwentuhan sa iba mong klasmeyt pag may ibang nagrereport. Dahil pro reporting lang, dapat estyudante na rin kumuha sweldo ng mga propesor na tulad nito.
Prof. G: Sila ung mga pumapasok naman sa klase pero love life nila ang tinuturo. Makinig kayo sa kanila dahil baka i-bonus ung pangalan ng 1st love niya.wahahaha.
Prof. H: Sila ung mga endangered species na mga propesors. Kung magturo sila, seryoso talaga. Walang kwento-kwento ng love life tulad ng iba. Mahilig silang magpa-graded recitation. Matututo ka talaga sa klase, kasi mapipilitan ka magbasa ng libro kung ayaw mong tumayo magdamag sa klase.
Alam kong madami pa kayong naiisip na iba't ibang klase ng propesor na nakilala niyo. Iisa lang naman ang payo ko sa inyo, mag-home study na lang kayo!Biro lang.
Kahit anong klase pa silang propesor, hayaan mo na lang sila. Balang araw, makakaganti ka rin!!Believe in KARMA!hehe.
Labels: klasrum